Matakaw sa alak, itinumba

crime2

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang inuman matapos umatake ang dalawang armadong lalaki sa Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Patay ang biktimang si Danilo Marcellana na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan habang sugatan din ang isang Miriam Forbes na tinamaan naman sa tiyan.

Batay sa kwento ng kaibigan ng mga biktima na si Marlon Arenas, nag-iinuman sila sa tapat ng bahay ng biktima nang dumating ang dalawang hindi pa kilalang lalaki at agad silang pinaputukan.

Nakuha sa crime scene ang limang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Hinala ng mga pulis, posibleng matagal nang away ang motibo sa likod ng pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Muntinlupa City Police sa nasabing krimen. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply