May plano nang magpakasal?

luis-manzano1

HINDI nagpahuli ang magkasintahang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa ibang stars na nagbakasyon sa ibang bansa. Nag-post si Luis nang napaka-sweet na picture nila ni Jessy sa Japan.

But unlike most of the stars na umalis ng bansa during Holy Week, nauna nang nagpunta sa Japan sina Luis at Jessy one week earlier.
Baka ‘yun na rin ang advance birthday celebration ni Luis who’s turning 36-years old on April 21.

No wonder may week-long birthday celebration si Luis sa ‘Minute-To Win It” now At syempre, dahil special ang episode nila for this week kaya naglaro si Jessy along with his celebrity friends and personal staff.

Panay ang holding hands at yakapan ng magkasintahan during the show. Doon din ay ikinuwento ni Luis ang bakasyon nila ni Jessy at ‘yung favorite place na pinuntahan nila sa Japan. Ipinakita rin during the show ang mga picture nila ni Jessy sa Japan.

Duda ng iba, posibleng nag-propose na si Luis kay Jessy sa Japan.
And why not, coconut?

Nasabi na rin naman ni Luis that he sees himself marrying Jessy, e.

Also, Luis is not getting any younger, huh?

Plus, financially stable and psychologically-prepared na si Luis. May establisadong career sa showbiz, may malaking bahay sa isang posh subdivision sa Kyusi, mga negosyo at may magandag girlfriend.

So, ano pa ba ang pumipigil para lumagay si Luis sa tahimik, ‘di ba?

At kung kayo si Jessy, aarte ka pa ba?

—oooOooo—

Inamin ni Lotlot de Leon na wala siyang sama ng loob nu’ng “iwan” ang anak niyang si Janine Gutierrez ng ex-boyfriend nito na si Elmo Magalona. Hindi rin naramdaman ni Lotlot na na-shortchanged si Janine ni Elmo paglipat niya ng ibang network at ibang kalabtim.

“Isipin na lang natin na kailangan niyang pagdaanan ang mga ganun para mas matututo siya especially when it comes to relationships. And, siguro para mas matuto rin siya na mas pahalaghan ang sarili niya,” lahad ni Lotlot.

Anyway, nakatakdang lumipad patungong Houston, Texas si Lotlot para sa 50th Annual Worldfest-Houston International Film and Video Festival.

Invited ang “1st Sem” sa film festival sa Texas na magaganap simula April 21-30 sa Flagship AMC Studio 30 Theaters sa Southwest Houston, Texas sa Amerika.

Napili ang “1st Sem bilang official selection for programming sa naturang international filmfest. Naka-advance raw sa WorldFest finals ang “1st Sem” at ito ay nominated to receive a Remi award.

Kamakailan, nanalo ang movie nina Lotlot sa All Lights India International Film Festival 2016 na ginanap sa Ramoji Film Ciity, Hyderabad, India na idinaos noong Setyembre 24-27, 2016.

Winner bilang Best Feature Film ang “1st Sem” at napili rin ang mga direktor na sina Dexter Hemedez and Allan Ibanez sa Debut Director’s Category.

Habang pinangaralan din si Lotlot para sa Special Acting Citation para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikula.

Ang lakas ng tawa ni Lotlot when we asked her kung ano ang feeling ng may international acting award. Nakatutuwa raw, nakatataba ng puso at nakatataba ng katawan. Pati tuloy kami ay natawa sa sagot ni Lotlot.

Malinaw na “anak” talaga siya ng Superstar na si Nora Aunor. Pati ang pananalo ng international acting awards ni Nora ay namamana rin niya, huh?

At ang latest, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang “1st Sem.” Kaya watch na kayo sa mga sinehan on April 26. Kasama rin d’yan ang mga baguhang sina Darwin Yu at Migyel Bagtas. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply