Nadal nasa Barcelona Open semis na

PASOK na sa semifinals ng Barcelona Open ang Spain tennis star na si Rafael Nadal.

Ito’y matapos niyang talunin si Chung Heyon ng South Korea sa score na 7-6(1), 6-2.
Inamin nitong nahirapan siya kay Chung dahil sa hindi niya lubos kabisado ang laro nito.

Hindi naman inaasahan ni Nadal na matatalo niya ang SoKor opponent dahil sa kakaibang larong ipinamalas nito.
Nakatakdang makaharap ni Nadal sa susunod na round ang mananalo sa pagitan nina Horacio Zeballos ng Argentina o Karen Khachanov ng Russia. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply