Nanlamutak ng dibdib bugbog, kulong

handcuff2

BAGUIO CITY – Arestado ang isang garbage collector kahapon (April 20) matapos maaktuhang nanlamas ng dibdib ng isang college girl sa Purok 4, Irisan, Baguio City.

Kinilala ng Baguio City Police Office (BCPO) ang suspek na si Domingo Lagao, 24, tubong La Union, ng Irisan, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, sinabi BCPO Station 9 police commander P/C Insp. Benedict Gang-aoen, naghihintay ang biktimang nakilalang si Joan (hindi tunay na pangalan), isang college student, ng taxi sa Purok 4 nang biglang hinila ng suspek at lamutakin ang dibdib.

Sa aktong iyon, nakita siya ng concerned citizen at dito nila kinuyog at dinakip si Lagao saka dinala sa mga pulis.

Nagpapasalamat ang BCPO sa mga residente ng nasabing lugar dahil sa pagkakadakip ng suspek.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa BCPO detention cell at act of lasciviousness ang nakatakdang ikaso sa kanya. ALLAN BERGONIA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply