National Hijab Day, aprubado na sa House Committee

muslim1

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Muslim Affairs ang panukalang pagdedeklara sa February 1 bilang National Hijab Day.

Ayon kay Committee Chair Rep. Sitti Djalia Turabin-Hataman, may-akda ng nasabing panukala, ang Hijab ay bahagi ay bahagi na ng pamumuhay ng mga babaeng Muslim.

Aniya, nakasaad sa Qur-an na dapat pangalagaan ng bawat babaeng Muslim ang kanilang kalinisang-puri at kababaang-loob.

Nakasaad sa House Bill 968 na ang Hijab ay isang belo na tumatakip sa ulo at dibdib na partikular na sinusuot ng mga babaeng Muslim pagkatapos ng kanilang puberty age sa harap ng mga lalaking hindi nila kapamilya.

Layon ng panukala na hikayatin ang lahat ng mga babae na maranasan ang pasusuot nito at maalis ang misconception na ikinakabit dito.

Umaasa si Hataman na dahil dito, ang mga babaeng hindi Muslim ay magkakaroon ng mas malalim na pag-intindi sa kanilang tradisyon.

Pangungunahan ng National Commission on Muslim Filipinos ang pagtataguyod dito at maging ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.

Hango ang National Hijab Day sa World Hijab Day na itinatag ni Nazma Khan na unang ginunita noong February 1, 2013. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply