NO TO RICE IMPORTATION!

GUMAGALAW na ang sindikato at mga ganid na negosyante na sangkot sa pag-import ng bigas at mga kauring produktong agrikultural. Halos sabay-sabay sa mga balita – diyaryo, TV at radyo – ang banat nila.

Matay ko man isipin, tumataas ang ani ng mga magsasaka, walang kulang sa pondo, bakit kailangan pa ang importasyon ng bigas?

Mukhang unsiyami sila sa sobrang kinita noong nagdaang administrasyon at gusto ngayong manggoyo sa mamamayan?

Saanmang bansa, mayayaman ang mga magsasaka. Tanging dito lamang sa Pilipinas bigo at nakaiiyak ang buhay-magsasaka.

Maliban sa kawalang-tulong at kapabayaan ng mga dating administrasyon, tuloy rin ang ginagawang land conversion mula sakahan tungo sa pabahay at munting industriyalisasyon. Mali!

Kaya naman tama lang ang hiling ni Department of Agriculture Secretary MANNY PIÑOL kay Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE na huwag munang payagan ang importasyon lalo na sa bigas.

Sapat-sapat kung hindi man sobra ang ani ng mga magsasaka ngayon at inaasahan din ang pagtaas pa sa susunod na anihan.

Suwerte ang PR FIRM na tumanggap ng trabaho sa mga ganid na negosyanteng sangkot sa importasyon ng bigas, mais at asukal.

Malaki ang budget – pero – sawi kayong lahat. Huwag ninyong ipagpilitan ang gusto ninyo sa ayaw ni Pangulong DUTERTE at Secretary PIÑOL.

Tiyak na mapapasubo kayo at malamang maimbestigahan kayo kasabay ang pagtunton sa inyong mga bodega!

Tinatawagan din natin ang ating mga magsasaka lalo na yaong mga organisado. Huwag kayong pumayag o magpabola sa mga ganid na importer.

Bibigyan kayo ng milyon-milyong pera para sa kanila. Ang importasyon ay dapat nagpapababa ng presyo ng anomang produkto.

Pero dito sa atin, dahil kontrolado nila ang merkado, sila ang nagdidikta ng presyo na taliwas sa dapat mangyari sa importasyon.

Ang ginagawa nila ay itinatago sa kanilang mga bodega. Pinipigilan ang pagbebenta sa labas kaya tuloy lalong tumataas ang presyo ng produktong agrikultura, kahit na imported pa, dahil sa pagtatago at pagkontrol sa paglabas ng mga ito.

Nakalulungkot, dahil sa masamang gawain ng sindikato ng importasyon, nagkakasiraan ang mga opisyal sa gobyernong DIGONG.

Sana rin ay huwag maniwala si Secretary JUN EVASCO sa drama ng mga “negosyante” na maghihirap ang mamama-yan kung ititigil ang importasyon ng bigas at iba pa.

Palakasin ang mga magsasaka. No to rice importation! BALETODO/ED VERZOLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply