Oil price hike, umarangkada na

oil-price3

MATAPOS ang Semana Santa, aarangkada muli ang presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa kanilang anunsyo, magpapatupad ng P0.45 na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Jetti, Petron, Unioil, Phoenix, SeaOil, Eastern, PTT, at Shell epektibo alas-6:00 ng umaga.

Magtataas naman ang mga nasabing kumpanya ng P0.65 sa kada litro ng diesel sa parehong oras.

Magpapatupad din ng P0.60 na pagtaas sa presyo ng kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, Unioil, at SeaOil.

Parehong presyo rin ang itataas ng Flying V sa kanilang gasolina, diesel at kerosene ngunit nauna na silang magpatupad kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagtaas ang presyo ng langis ngayong buwan. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply