P1M pabuya kada ulo ng ASG, ibibigay ng Pangulo

NAG-ALOK si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang P1-milyong pabuya para sa bawat Abu Sayyaf na maituturo at mapapatay sa lalawigan ng Bohol.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa lalawigan upang personal na inspeksyunin ang mga ginagawang paghahanda sa ASEAN Summit gayundin ang pagsisimula ng Regional Economic Partnership Trade Negotiating Committee Meeting sa Panglao Island.

Nagbabala rin ang Pangulo na may kalalagyan din ang sinomang mapatutunayang nagpapagamit at nakikipagsabwatan sa mga bandido.

Samantala, malugod namang tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasabing alok ng pangulo.

Ayon kay sa AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, inaasahan nila na dahil sa pabuya ay mahihikayat ang publiko na tumulong para tuluyang mapulbos ang bandidong grupo.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang operasyon ng militar para matunton ang mga nalalabi pang miyembro ng Abu Sayyaf na naka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan sa Inabanga, Bohol noong nakaraang linggo. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply