PPA AT MICT, BAHAGINAN NG KITA N’YO ANG MAYNILA

johnny_magalona1035

BUTI naman at nasilip na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang limpak-limpak na kinikita ng Philippine Ports Authority (PPA) mula sa kaliwa’t kanang operasyon ng Port of Manila sa napakahabang panahon na pinakinabanangan ng nasabing ahensya ang Port ng Maynila.

Binabalak ni Estrada na idulog ang kasong ito sa Kongreso na magpasa ng isang batas na mag-aatas sa PPA na mabigyan ng kahit konti sa bilyung-bilyong kinikita ng PPA sa Port of Manila para naman makapagpatayo ng housing project sa mga mahihirap na Manileño na walang sariling tirahan.

Tatlo ang sinasabing port na nakatirik sa lupain ng lungsod ng Maynila na halos walang pakinabang na nakukuha ang lungsod sa mga ito gaya ng Manila North at Manila South at Manila International Container Terminal (MICT).

Mantakin ninyo, bilyon-bilyong piso ang kinikita ng PPA pero walang nakukuha ni singkong duling ang lungsod ng Maynila samantalang ang operasyon ng mga ito ay araw-araw. Kung tutuusin, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi makausad ang Maynila. Napakalaking perwisyo ang dulot ng nakatayong ports sa nasasakupan ng lungsod ng Maynila.

Kabilang sa mga perwisyo ang pagkasira ng mga kalsada ng lungsod at perwisyo rin ang malalaking gastos ng lungsod para kumpunihin ang mga nasisirang kalsada.

Nasisira o nagiging lubak-lubak ang mga kalsada dahil sa pagdaang mga higanteng cargo truck na pumapasok at lumalabas sa lungsod ng Maynila.

Perwisyo rin ang dulot na trapik ng mga kargo truck at kinakailangan pang gumastos ang lungsod ng napakaraming traffic enforcer para mangasiwa ang mga ito.

Kaya karapatan lang ni Mayor Erap na tawagan ang Kongreso para magpasa ng batas na bubuligllig sa PPA na bahagian ng kita ang Maynila.

CHIEF OF POLICE NA HINDI KINAKATAKUTAN

Buong tapang pa rin na ino-operate ni Edison ang puwesto pijo ng drop balls nito sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija na ginagawang tambayan ng mga menor-de-edad at hindi ko maintindihan kung bakit hindi kumikilos si Rizal chief of police Maj. Manuel Catacutan.

Aba, sa lahat yata ng hepe, itong si Maj. Catacutan ang hindi kinatatakutan ng mga iligalista gaya ni Edison. Baka naman kinatatakutan lang si major dahil sa laki ng lagay nito. Hehehe.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesaabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply