Richard Gutierrez, kinasuhan ng P38M tax evasion

KINASUHAN ng tax evasion ang aktor na si Richard Gutierrez sa Department of Justice (DoJ) kaninang umaga, Biyernes.

Bunsod ito ng hindi pagdedeklara ni Gutierrez ng tamang detalye sa kanyang income tax return noong 2012.

Sa record ng Bureau of Internal Revenue (BIR), aabot sa P38.67-milyon ang bayarin sa buwis ng aktor, kasama na ang multa at iba pang charges.

Maliban kay Gutierrez, kasama rin sa reklamo ang pag-aari nitong production company na may trade mark na “R Gutz.”

Sa ngayon, ay wala pang tugon ang kampo ng aktor hinggil sa naturang reklamo. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply