Rockets abenta na sa 2nd round, Thunder taob

TINALO nina James Harden at kanyang mga teammate ng Houston Rockets ang 47 big points ni Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder sa Game 5 sa iskor na 105-99.

Dahil dito, umusad na sa second round ang Rockets sa Western Conference nang tapusin nila ang serye sa 4-1.

Umiskor si Harden ng 34 points at 8 rebounds, habang tinulungan siya nina Lou Williams na may 22 points at Patrick Beverley na nagdagdag ng 15.

Ito na ang ikalawang pagkakataong umusad sa next round ang Rockets sa huli nilang tatlong NBA season.

Sa kabila ng halos panibago na naman sanang triple-double performan, nabigo pa rin si Westbrook na madala ang team sa second round.

Naging makasaysayan para kay Westbrook ang katatapos lamang nilang season dahil sa kanyang naitalang NBA record na may pinakamaraming triple-doubles (42).

Samantala, kabilang naman sa nanood sa game ay ang NBA Hall of Famer na si Hakeem Olajuwon, rapper Travis Scott at rumored girlfriend at reality star na si Kylie Jenner. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply