Script ang problema!

sharon1

KUNG si Sharon Cuneta ang tatanungin ay gusto pa rin niyang matuloy ang reunion movie nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion.

Hindi para sa Megastar dahil wala na siyang dapat patunayan mula nang pasukin niya ang showbiz.

Gusto lang ni Shawie mapagbigyan ang kanilang mga fans ni Gabo na hanggang ngayon ay nandiyan at umaasa na magkaroon sila ng reunion movie ng dating husband.

Kung talagang hindi na raw matutuloy ang reunion movie nila ni Gabo, sana ay matuloy naman ang isang Sharon movie.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagbabawas ng timbang ng Megastar. At sa nangyayari ay tila matutupad ang hinahangad niyang timbang sa madaling panahon.

Kasalukuyang busy si Shawie sa taping ng Your Face Sounds Familiar Kids na malapit nang matapos at sa taping ng The Voice Teens na malapit na rin magsimulang umere sa ABS CBN.

Going back sa reunion movie nila ni Gabo. Sana makagawa ng magandang script na babagay sa kanila.

Ang hanap kasi ni Gabo sa magiging reunion movie nila ni Shawie ay tamang script at walang problema sa kaniyang magiging talent fee.
***
Ipinagdiinan ni Ruru Madrid na matibay pa rin raw ang pagmamahal na iniiukol niya kay Gabbi Garcia.

Totoo na magkahiwalay na sila ni Gabbi pero yun ay sa teleserye lang nila at hindi sa tunay na buhay.

Magmula nang mawala na ang character daw ni Gabbi sa teleserye nila ay nagkahiwalay na rin sila ng landas pero nandoon pa rin ang kanyang pagmamahal sa young/morenang beauty.

Kapwa raw sila busy ni Gabby kaya madalang na magkita pero hindi naman nawawala ang pagmamahal niya sa young actress.

Alam din daw ni Ruru na strict ang parents ni Gabbi at nauunawaan niya kung ganoon na lang ang ibinibigay na proteksyon ng mga magulang nito sa young actress.

Kahit ano raw ang mangyayari ay hindi magbabago ang nadarama ni Ruru kay Gabbi.

Aba, kung pakakawalan ni Ruru si Gabbi ay siguradong pagsisisihan niya dahil future beaty queen ang isang Gabbi Garcia.
***
Napagnakawan daw ang bahay ng actress na si Sanya Lopez at ang ikinagulat at ikinatatakot ng sambayanang ay isang bata ang ginamit para makapasok sa bahay.

Ayon pa sa balita ay iniimbistigahan na raw ng Tandang Sora Police ang nangyaring nakawan sa bahay ng actress peroo ang tanong ay kung mahuli nga ang bata ay anong parusa ang ipapataw dito.

Di ba may batas na ginawa si Kiko Pangilinan na hindi puwedeng idemanda kapag isang menor de edad ang may kasalanan.

Ke rape, robbery at pagpatay ang nangyari na isang bata ang salarin ay walang kasong ipapataw sa Pangilinan Law.

Kapag napatunayan na menor de edad ang may sala ay laya na ito at parang walang nangyaring karumal-dumal na krimen.

Kaya dapag mag-ingat na lang ang sambayanan.

Si Sanya ay nagpalagay na lang ng iron grills ang kanilang bintana at natatakot na baka any moment ay may umakyat na naman sa kanilang bintana.

Sa bansa natin ay tila matindi ang human right. Mas tila pinahahalagahan pa ang karapatan ng isang criminal kaysa sa biktima. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply