Sigalot sa West PH Sea, isinisisi sa Aquino admin

BINUNTUNAN ng sisi nina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at beteranong abogado na si Atty. Estelito Mendoza ang administrasyong Aquino sa kinakaharap na sigalot ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Mendoza, noong administrasyon ni dating Presidente Noynoy Aquino nag-umpisa at lalong uminit ang problema ng Pilipinas sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Lolong lumala ang pagtatayo ng mga isla ng China at panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino matapos na maghain ang Pilipinas ng reklamo sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Hindi umano gaya noong panahon ni Arroyo kung kailan tinatamasa ng Pilipinas ang kapayapaan sa West Philipine Sea.

At kahit ipinasa sa ilalim ng administrasyong Arroyo ang Republic Act 9522 o ang Archipelagic Baselines of the Philippines ay walang pag-alma ang China.

Dagdag nito, nagsagawa pa ng tinatawag na Joint Seismic Undertaking ang Pilipinas at China upang pagyamanin ang natural resources sa kontrobersyal na teritoryo.

Sinegundahan naman ni Cong. Arroyo ang mga naging pahayag ni Mendoza kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Inilabas ni Mendoza ang isang primer na may titulong “The Space or Maritime Area of the Philippines” na nagpapaliwanag sa bawat bahagi ng karagatang teritoryong sakop ng Pilipinas. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply