Thunder tambak sa Rockets

NILAMPASO at hindi pinatawad ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder sa Game 1 ng first round playoff series sa iskor na 118-87.

Bumida sa panalo ng Rockets si James Harden na may 37 puntos at hindi umubra ang triple-double record holder na si Rusell Westbrook na nakatipon ng 22 points, 11 rebounds at seven assists.

Minalas din sa tira si Westbrook na may 6/23 field goals lamang habang nagtala rin ng nine turnovers para sa sixth-seeded na Thunder.

Liban sa malaking puntos, nagtapos din sa 9 assists at 7 rebounds si Harden.

Kapwa nangunguna ang dalawa sa pagsungkit ng MVP award ngayong season, kasunod sila Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs at LeBron James ng Cleveland Cavaliers.

Lamang ang third-seeded Rockets ng 20 puntos nang bumalik si Harden may pitong minuto na lamang ang natitira.

Nanguna si Harden sa 10-0 run kabilang ang magkasunod niyang tres.

Naging malaking tulong din sa Houston ang ipinakitang performance ni Patrick Beverly na may 21 points at 10 rebounds sa loob lamang ng 25 minuto ng paglalaro.

Sa bahay pa rin ng Rockets gaganapin ang Game 2 ng serye sa Huwebes, Abril 20.

Sa iba pang mga laban, panalo rin ang Warriors (1) kontra Blazers (8), 121-109; habang sa nanalo sa East ang Wizards (4) kontra Hawks (5), 114-107; at Bulls (8) kontra sa no. 1 seed Celtics, 106-102. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply