2 motor nagsalpukan, 7 malubha

emergency1

LABRADOR, PANGASINAN – Kritikal ang pitong katao kabilang ang isang tatlong-taong gulang na batang lalaki at isang-buwang gulang na sanggol matapos magbanggan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Labrador sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga, May 17.

Nagtamo ng mga iba’t ibang sugat sa katawan sina Manuel Marayag, 41, asawa nitong si Ginalyn, 31, at mga anak nitong sina Ethen Dominic, 3, Sofia Jenine, one-month-old, ng Brgy. Paitan East, Sual, Pangasinan.

Samantala, ang mga nakabanggaan nito na pareho ring nasugatan ay nakilalang sina Jayson Olarte, 30, at mga backride na sina Rommel Olarte at Lailanie Betonio, pawang mga taga-Caoayan, Sual sa nasabing lalawigan.

Sa paunang imbestigasyon, papunta ang mga biktima sa Uyong, Labrador nang maganap ang banggaan.

Sa malakas ng pagkakasapok, tumilapon ang mga biktima at sa kabutihang-palad ay wala namang namatay sa insidente.

Ayon sa Labrado police, walang safety gear ang mga biktima kung kaya’t patuloy ang ginagawang imbestigasyon upang malaman kung sino ang dapat managot sa aksidente. ALLAN BERGONIA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply