5 Korean dinampot ng NBI dahil sa Illegal Gambling

LIMANG Korean national ang dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pag-ooperate ng illegal na online gambling sa Valle Verde, Pasig City.

Isinagawa ng NBI-Cybercrime Division kasama ang Pasig Police ang operasyon sa bisa ng search warrant kung saan inabutan ang mga suspek na sina:

CHEONJI KIM

ILHWAN YANG

WONSUP YANG

JEONG HYEOK KIM

MOON KYU KANG.

Ang mga nabanggit na dayuhan ay nag-ooperate umano ng online sports betting, sports toto, at online casino.

Nagagamit umano ng mga suspek ang ganitong modus sa money laundering.

Madalas na sa mga exclusive subdivision nila ito isinasagawa upang makapagtago sa law enforcement agencies ng pamahalaan.

Nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10175 o cybercrime prevention act of 2012 ang mga banyaga at  posibleng makulong ng hanggang sa labindalawang taon kapag napatunayang nag-kasala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply