6 pulis sibak sa ‘tanim-droga’

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng La Loma police station sa Quezon City at lima sa kanyang mga tauhan para maimbestigahan sa alegasyong “drug-planting” sa isang suspek na naaresto noong Disyembre.

Mismong si Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Guillermo Eleazar ang may kautusan na alisin muna sa puwesto si P/Supt. Tomas Nunez.

Kasama rin sa sinibak sina Insp. Felipe Tumibay, station drug enforcement unit chief, at Police Officers 1 Allen Christian Camangon, Mico Jensen Amurao, Jesson Valenzuela at Alvin Afroilan.

Sina Camangon at Amurao ay mga tauhan ng anti-narcotics unit habang si Valenzuela at Afroilan ay kapwa beat patrollers.

Ang kanilang pagkakasibak ay base sa “tanim-droga” na inireklamo ng isang Cristina Flores, 35, ng Brgy. Apolonio Samson, na ikinulong sa Camp Karingal simula noong Diyembre 21 sa kasong illegal drug possession.

Nauna nang nagsampa si Flores ng motion-for-reconsideration sa Quezon City Regional Trial Court. Hiniling din nito ang pagdismis sa kanyang kaso sa dahilan na wala namang nakuhang droga sa kanya.

Ayon sa police reports, umaktong poseur buyer sina Camangon at Amurao at arresting officer at nagsagawa ng isang buy-bust noong Disyembre 22 laban kay Flores at Michael Bryan Ortiz, 25, na helper mechanic na sinabasabing nasa drug watchlist ng naturang presinto.

Ayon sa mga pulis, nakakumpiska sila ng tatlong sachet ng shabu mula sa dalawa, kasama ang P300 cash.

Ngunit iginiit naman ni Flores na walang nangyaring drug raid at wala ring droga nakuha sa kanya. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply