85-anyos na ama, patay sa bugbog ng anak

PAGREREBELDE o paghihiganti ang pinaniniwalaang dahilan ng isang anak kaya binugbog hanggang sa mapatay ang kanyang sariling ama sa Brgy. Purag, Sinait, Ilocos Sur.

Kinilala ni P/C Insp. Reynaldo Mendoza, hepe ng Sinait PNP, ang biktimang si Elpidio Yadao, 85, balo, ng nasabing lugar habang ang suspek ay ang anak nitong si Nestor Yadao, 50, security guard sa Maynila.

Sa imbestigasyon, nakainom na dumating ang suspek mula sa isang kasiyahan sa Cabugao, Ilocos Sur at nadatnan niya ang amang nakaratay sa terrace ng kanilang tahanan na may dala pang pagkain para sa kanya.

Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig ang mga kapitbahay ng sigaw ng ama na humihingi ng tulong at nadatnan na lamang siyang duguan.

Narekober ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ang tatlong batong kasinglaki ng ulo na siyang pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpukpok at pagpatay sa sariling ama.

Sa ngayon ay pinaghahahanap na ito para papanagutin sa naturang krimen. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply