Best actor in a drama si JC Santos!

WOW, Best Actor in a Drama, si JC Santos, sa katatapos lang na Gawad Buhay ng Philstage, ang organisasyon ng theater and dance companies sa Metro Manila.

Nagwagi siya para sa performance n’ya sa futuristic play na Constellation na ang nag-produce ay ang Red Turnip Theater.

Siguro naman ay rumehistro na sa kamalayan n’yo si JC na naging katrayanggulo nina James Reid at Nadine Ilustre sa “Till I Met You” ng ABS-CBN 2.

Isa rin siya sa contestants sa celebrity reality show na I Can Do That ng Kapamilya Network pa rin.

Bago siya napasama sa lead cast ng Tillt I Met You, mas aktibo siya sa teatro bagama’t palabas-labas na rin siya sa mga teleserye in character and support roles.

Sa teatro, nakalalabas na rin siya sa lead roles at sa major supporting roles, pero may mga pagkakataon na nasa chorus o taumbayan roles “lang” siya.

Sa mga alagad ng teatro kasi, ang katwiran nila ay “there are no small roles, only small actors” kaya okey lang na kagaganap lang nila sa lead role pero sa next play nila ay bahagi lang sila ng chorus o taumbayan.

Nagsimula nang ipalabas ang Till I Met You nung itanghal ang Constellation nung February-March 2016 sa PowerMac Spotlight theater sa Makati Circuit (ang dating karerahan ng kabayo na nabili na ng Ayala Land at dini-develop na ngayon bilang residential-commercial
complex at kung saan may nakatayo na ring Avida condominium buildings).

Si Cris Villonco ang katambal ni JC sa Constellation na dalawa lang ang artista na nagpapalit ang characters depende sa panahon at lugar ng pagkikita at pagniniig ng dalawang characters.

“Multi-verse” na science fiction ang description sa play. Actually, nagwagi rin si Cris na Best Actress para sa pagganap n’ya sa dulang iyon.

Mismong ang dula, na idinirek ni Rem Zamora, ay nagwaging Best Drama Production.

Kilala rin sa showbiz si Cris Villonco dahil apo siya ng film/TV producer-actress na si Armida Siguion Reyna, at pamangkin siya ng film/stage director na si Carlos Siguion Reyna, na anak ni Armida. Nakaganap na si Cris sa pelikula, sa Hari ng Tondo in particular, na ang nagdirek ay si Carlos.

Isang entry sa Cinemalaya indie film festival ang Hari ng Tondo.

Pareho nga palang bilingual sina JC at Cris: pareho silang mahusay na nakagaganap sa mga dulang Ingles at Tagalog.

Ang ipinagkaloob na mga karangalan nung Mayo 10 lang sa Little Theater ng CCP ay para sa mga pagtatanghal nung 2016 na hindi re-staging lang ng ipinalabas nila nung 2015 lang.

Ang parang tinitingala ngayon na batang aktor sa teatro ay si Jeff Flores dahil nagwagi siya this year ng Best Actor in a Musical/Comedy para sa pagganap n’ya sa Tick-Tick- Boom ng 9 Works Theatrical pero nagwagi naman siya last year as Best Actor in a Drama para naman sa pagganap n’ya sa This Is Our Youth. Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa siya nakagaganap sa lead o major roles sa mga dulang Tagalog/Filipino dahil hindi siya sanay mag-Filipino.

Laking Amerika kasi siya, bagama’t parehong Filipino ang mga magulang n’ya.

Actually, nakagaganap din siya sa mga Filipino drama at musical bilang English-speaking na foreigner. Halimbawa ay sa kapapalabas lang nung February at March na Carediva ng Philippine Educational Theater Association (PETA).

Sa Israel ang setting ng musical tungkol sa limang bading na Pinoy na caregiver sa araw pero nakakapag-sideline sa gabi bilang impersonators o showgays. Gumanap si Jeff bilang Israeli at bilang Arabo na magiging boyfriend ng isa sa mga bading.

Oo nga pala, check n’yo ticket availability ng Godspell musical sa Carlos P. Romulo Theater sa RCBC Plaza sa Ayala Avenue, Makati– dahil si Jeff ang gumaganap na Jesus Christ.

Actually, repeat ito ng itinanghal ng MusicArtes last year, nung Agosto. Hanggang May 21 pa ipalalabas ang re-run na ito ng Godspell.

May shows din sa hapon, pero mas marami ang sa alas otso ng gabi. Pero mahaba ang pagtatanghal, halos tatlong oras.

Mas spiritual ang Godspell kesa religious. Hindi ito nagpu-promote ng ano mang relihiyon ang musical, kundi ipinapahayag lang muli ang mga turo ni Hesukristo, pati na ang mga sikat na sikat n’yang “parables.”

May mga binago sa produksyon kaya’t naging mas malinaw ang pagtatanghal ng mg turo ni Jesus Christ.

Alam n’yo bang kahit na spiritual nga ang produksyon, may bahagi ito na half-naked si Jeff: wala siyang pantaas. Tinanggal n’ya!

May dalawang bagong cast members ang muling pagtatanghal ng Godspell na ito: sina Myke Salomon at Lawrence Martinez (anak ni Leo Martinez).

Si Myke ang gumaganap na John Baptist na panandalian ding magiging si Hudas Iskaryote, ang magkakanulo kay Hesukristo
para madakip siya ng mga Hudyo (Jews).

Parehong magaling sina Myke at Lawrence. Eleven actors and actresses lang ang gumaganap sa pagtatanghal, at dahil ang gagaling nilang lahat, masasabing star-studded ang Godspell. Remember, musical ito, kaya napakasigla, at napakasaya.

Oo nga pala, si Myke ay nagwagi rin sa katatapos lang na Gawad Buhay: siya ang best musical director para sa 3 Stars and a Sun ng PETA.

Dumating naman siya nung awards night, at nag-plugging pa nga ng Godspell. SHOWBYTES /DANNY VIBAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply