Cavs kinalabaw ang Celtics

ecf1

DINOMINA nina LeBron James at Kevin Love ng Cleveland Cavaliers ang Game 1 kontra sa Boston Celtics sa Eastern Conference Finals sa iskor na 117-104.

Walang makapigil sa pangangalabaw ni LeBron James na kumamada ng 38 points, nine rebounds at seven assists.

Nagdagdag naman si Kevin Love ng 32 points na kanyang playoff career-high na may 12 rebounds pa.

Hindi umubra kay LeBron ang kahit anong depensa na inilatag ng Boston na umabot pa sa 26 points ang naging kalamangan.

Sa unang bahagi ng laro, tila maagang minalas ang Boston dahil sumablay ang 11 na tira mula sa kanilang 14 attempts.

Nanguna naman sa panig ng Boston sina Avery Bradley at Jae Crowder na may tig-21 puntos.

Nalimitahan naman sa 17 puntos Isaiah Thomas dahil siniguro ng Cavs na madedepensahan ito nang maigi.

Sa Sabado ang Game 2 na lalaruin pa rin sa homecourt ng Celtics. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply