Chinese nat’l, timbog sa P8M shabu sa Pasay

handcuff2

TIMBOG ang isang Chinese national matapos mahulihan ng mahigit P8-milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City.

Sa pinagsanib na puwersa ng PDEA-NCR at Manila Police District Station 9, nalambat si Nico Sy alyas ‘Davidson’, na nagpakilalalang isang negosyante na nagbebenta ng kahoy sa Davao.

Ayon kay PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva, nagsimula ang kanilang operasyon sa isang mall sa Malate, pero nagduda ang suspek dahilan para dalhin sila sa isang casino sa Pasay City.

Dito na bumili ang operatiba ng isang kilong shabu mula sa suspek sa halagang P1-milyon.

Nang maaresto na, nakuha rin sa kamay ng suspek ang humigit-kumulang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8-milyon.

Depensa naman ng suspek, hindi sa kanya ang nakuhang iligal na droga at sinet-up lamang siya.

Ayon kay Villanueva, miyembro ang nahuling suspek ng kilabot na Chinese drug syndicate na nagdi-distribute ng droga sa Metro Manila.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply