Dahilan ng pag-alis ng bansa, isiniwalat ni Sharon

sharon-cuneta1

MAKALIPAS ang halos isang linggong pagpo-post ng mga matalinghagang pahayag sa social media, isiniwalat na rin ni Megastar Sharon Cuneta sa wakas ang dahilan ng kanyang pamomroblema at biglaang pag-alis sa bansa.

Sa kanyang Facebook post, unang itinanggi ng Megastar na ‘third party’ ang dahilan ng kanyang biglaang paglipad patungong Amerika.

Mariin din kinondena ni Sharon ang nagpapakalat ng larawan ni Sen. Kiko Pangilinan at Sen. Risa Hontiveros na mistulang magka-holding hands.

Paliwanag ng Megastar, ang matinding problema sa mga utang, pagkakasakit ng kanyang tiyahin at pagpanaw ng ilan niyang mahal sa buhay ang dahilan ng kanyang pag-alis ng bansa.

Masyado na siya aniyang maraming pagkakautang sa ilang mga investment kaya siya na aniya ang isa sa mga pinakamahirap na bilyonaryo sa ngayon.

Himutok pa nito, kinailangan niyang umalis ng bansa upang mapag-isa at makapagpahinga.

Idinaing rin ng 51-anyos na aktres at singer ang mistulang paggamit sa kanya ng ilang tao na nasa paligid niya. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply