Elenita Binay, naabsuwelto sa P21M furniture contract mess

IBINASURA ngayon ng Sandiganbayan ang apela ng pamahalaan laban sa pagwawalang-sala ni dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay ng P21.7-million city hall furniture contract noong 2000.

Sa resolusyon na may petsang Mayo 8, sinabi ng anti-graft court Fifth Division na hindi nila kayang baliktarin ang October 28 decision.

Sinabi ni Sandiganbayan Justices Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at Geraldine Faith Econg na pumirma sa resolusyon at kumontra sa October decision, walang sapat na ebidensiya para pagtibayin ang hirit ng pamahalaan.

Ang desisyon na nagbibigay ng demurrer to the evidence kay Binay ay nangangahulugan nang acquittal.

Si Binay ay binigyan ng korte ng demurrer dahil bigo ang mga prosecutors na patunayang may sabwatan sa bidding pabor sa supplier na Asia Concept International, Inc.

Bigo rin ang mga prosecutors na patunayan na overpriced nang P2.78-million ang proyekto at ang excessive purchases na nagkakahalaga ng P5.91-million. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply