Filipino kabilang sa namatay sa plane crash sa New Jersey

plane-crash1

ISANG Filipino pilot sa dalawang namatay sa bumagsak na maliit na eroplano sa New Jersey.

Kinilala ang namatay na biktima na si Jeffrey Alino, talumpu’t tatlong taong gulang habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasamahan nito na namatay sa aksidente.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sinusubukang lumapag nina Alino sa Teterboro airport ngunit bumagsak ito sa isang parking lot sa di kalayuan ng paliparan.

Aabot sa tatlong gusali at labing tatlong sasakyan ang napinsala sa naturang plane crash ngunit wala namang naitalang nasugatan sa insidente.

Hindi pa batid sa ngayon ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply