Gilas kinabayo ang Thailand

APAT na ang panalo ng Gilas Pilipinas matapos tambakan ang national team ng Thailand sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championships sa Smart Araneta Coliseum sa iskor na 108-53.

Naging dikitan ang laban sa unang minuto ng laro sa first quarter bago unti-unting lumayo ang mga Pinoy sa kanilang kalaban.

Naging best player of the game si Japeth Aguilar na umiskor ng 23 points, limang rebounds at dalawang blocks.

May ilang pagkakataon pa na nagpakita ng slam dunk ang 6-foot-9 na si Aguilar na lalo pang nagpahiyaw sa fans.

Umambag naman si Calvin Abueva ng 15 points at six assists, habang ang naturalized player na si Andray Blatche at Terrence Romeo ay kapwa may tig-11 points.

Maaalalang unang minasaker ng Gilas ang Myanmar sa opening game ng SEABA sa iskor na 147-40 noong Biyernes.

Sunod namang naging biktima ng Gilas ang Singapore, 113-66.

Noong Sabado ay pinayuko rin ng pambansang koponan ang Malaysian team matapos ilampaso ng 55 puntos, 106-51.

Susunod na makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang Vietnam dakong 7:00 ng gabi ngayong Miyerkules.

Sinasabing masusubok ang Philippine team sa huling laro sa Huwebes kontra sa Indonesia na wala pa ring talo.

Meron din naturalized player ang Indonesia na isang Indonesian-American na pinayagan ng FIBA na makalaro sa SEABA. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply