Ginang pinagbabaril patay, 1 pa sapul sa ligaw na bala

PATAY ang isang 53-anyos na ginang matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman sa ligaw na bala ang parish church personnel sa Caloocan City, kagabi.

Si Ma. Nina Arcinas, ng 30 Agudo St., Brgy. 131, Barrio San Jose ay hindi na umabot ng buhay sa Chinese General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ginagamot naman sa naturang pagamutan sanhi rin ng tama ng bala sa taas na bahagi ng hita si Christopher Dominic Mabini, 23, stay-in personnel sa San Jose Parish Church.

Sa imbestigasyon, dakong 10:45 ng gabi, nakikipagkwentuhan ang biktima sa harap ng sari-sari store sa kanto ng Agudo St. at Cabatuan St. nang dumating ang suspek na nakasumbrero at walang sabi-sabing pinagbabaril si Arcinas.

Bago ang insidente, makikita sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera sa lugar ang pagdating ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at magkahiwalay na pumarada ilang metro ang layo sa pinangyarihan.

Bumaba ang gunman at makalipas ang ilang sandali, tumatakbo na ito pabalik sa naghihintay na kasabwat bago sumakay sa motorsiklo at mabilis na tumakas kasunod ang isa pang riding-in-tandem na nagsilbing lookout.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng mga ito sa insidente dahil ayon sa barangay opisyal, hindi naman sangkot sa droga o anomang uri ng iligal na gawain ang biktima. RENE MANAHAN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply