Halos 300 Navoteño, nabigyan ng bagong lambat at bangka

UMABOT sa 281 na rehistradong mangingisdang Navoteño ang nabiyayaan ng bagong mga lambat bilang tulong at pagkilala sa kanilang nagawa para sa lungsod ng Navotas.

Walo naman ang nabigyan ng mga motorized fiberglass na bangka mula sa Bureau of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR).

“Lubos ang ating pasasalamat sa ating mga mangingisda dahil sila ang bumubuhay sa ating ekonomiya at kultura. Hindi makikilala ang Navotas kung hindi dahil sa kanila. Nararapat lang na sila’y tulungan dahil ang kanilang lakas at sipag ay yaman ng lungsod,” ayon kay Mayor John Rey Tiangco.

Pinangunahan ng Navotas City Agriculture Office at BFAR ang nasabing programa.

Nasa ikaapat na taon na ang pagbibigay ng livelihood assistance sa mga mangingisda. Tanging ang mga nakapagrehistro lamang sa City Agriculture Office mula 2016 – 2017 ang nakasama sa listahan.

Nagkakahalaga ng P200,000 ang lahat ng pinamahagi na lambat na maaaring gamitin sa panghuhuli ng alimasag, bangus, tilapia, hoya, hipon, asuhos, at alamang.

Bukod rito, binigyang-pagkilala rin ang pinakamatandang mangingisda sa lungsod na si Marcelino Monteroso, 86-anyos. JOJO RABULAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply