Humahataw si Roxee B!

KOKORONAHAN muli ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang Phenomenal Box-Office Star sa nalalapit na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

If we’re not mistaken, this is the sixth consecutive time na nakuha ni Vice ang titulo na ‘yan.

Kahit paulit-ulit na niyang nakukuha ang titulong ‘yan, nae-excite pa rin daw siya na makatanggap ng ganyang parangal.

Para sa kanya, isa raw itong regalo.

“It’s a blessing na masarap tanggapin, ganoon. Alam mo’ng Pasko sa araw na ‘yun tapos tatanggap ka ng regalo,” pahayag ni Vice.

Tinanong namin si Vice kung feel ba niyang gumawa ng pelikulang ginawa ni Comedy King Dolphy gaya ng “Omeng Satanasia” or “Ang Tatay Kong Nanay” at “Die Beautiful” ni Paolo Ballesteros.

Hindi raw niya alam na may pelikulang “Omeng Satanasia” si Dolphy noon.

Hindi rin daw siya pwedeng gumawa ng isang Paolo Ballesteros film dahil hindi ‘yun anng kanyang brand.

” Way of the “And the same thing, Paolo cannot do a Vice Ganda movie because that is not his brand. We have our own brands and my brand is that, kung ano ‘yung brand ko, ‘yun ang gagawin ko.

It’s not my market wants for me. Not anytime soon. Siguro, eventually,” esplika niya.

Gusto rin daw nilang gumawa ng mga indie films but maybe eventually rin daw.

“Gagawa rin naman ako but not anytime soon. Hindi ko priority. Pero I would love to do it.”

—oooOooo—

Na-happy naman kami to know na kasali ulit si Roxee B (Roxanne Barcelo) sa isang mala-Hollywood ang datingan ng pelikula na pinamagatang “Way of the Cross” directed by Gorio Vicuna for Kaizen Studios.

This is her second movie na natapos niya this year. ‘Yung isang movie niya is with martial arts expert Vincent Soberano’s action-drama film titled “Blood Hunters.”

The producers of “Way of the Cross” and “Blood Hunters” are both planning to enter their respective movie on the forthcoming 2017 Metro

Manila Filmfest.
Parehong aksyon-aksyunan din ang “Blood Hunters” at “Way of the Cross” na karamihan sa members of the cast ay imported, huh! Keri naman ni Roxanne na mapasama sa cast dahil ‘di naman papahuli ang sexy actress pagdating sa Inglesan.

Remember, Roxanne was born and raised sa Tate.

Natutuwa kami for her kasi nag-blossom talaga siya as a beautiful and intelligent woman in showbusiness and in her private life.

Ang tagal na rin nila ng boyfriend niyang si Will de Vaughn.

Pero wit namin na –sight na kasama ni Roxee B. si Will nu’ng makita namin ang ex-PBB housemate sa isang event kamakailan.

Hindi naman siguro ibig sabihin nito ay split na sila ni Will, ‘no?

Anyway, kasama rin sa “Way of The Cross” bukod kay Roxee B and Gorio Vicuna sina Alvin Anson, Rafael Rosell, Miguel Vasquez, Daiana Menezes, Giovanni Respall, Yussef Esteves, Oz Rivera, Apollo Abraham, Vic Romano and Danielle Chopin produced by Kaizen Studios headed by Anthony Diaz V na siya ring sumulat ng sa script. SWAK NA SWAK/ JULIE BONIFACIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply