Jennylyn, tinipid ang serye?

NATAWA lang si Jennylyn Mercado nang tanungin kung totoo na tinitipid raw ng production ang kanyang bagong seryeng My Love From The Star?

Buwelta ni Jennylyn sa bashers na nagsabi na tinitipid ang serye na kung saan baguhan ang kaniyang leading man na si Gil Cuerva.
Paano raw mangyayaring tinitipid ng production hindi pa ito ipinalalabas sa TV? Excited na raw siyang maipalabas ito dahil sigurado siya na magugustuhan ng mga televiewers.

Maging siya raw ay napahanga sa baguhang leading man. Lahat ng ipagawa raw ni direk Joyce Bernal ay nagagawa at walang angal sa mga ipinagagawa ni Direk.

Last Monday, May 15, ang birthday ni Jennylyn. Thirty-years old na siya at ready nang lumagay sa tahimik kung gugustuhin niya.

Kumusta naman ang pagiging sweet uli ni Dennis Trillo na kulang na lang ay humarap na sila sa altar para lalong maging kumpleto ang kanilang pagmamahalan? Ayon kay Jennylyn, mas masaya raw sila ngayon ni Dennis at matagal pa raw siguro na humantong sila sa harap ng altar. Kung sila raw talaga ni Dennis ang itinadhana ay mangyayari kahit hindi nilang pag-usapan.

Pero right now ay wala silang plano. As long na masaya sila magkasama ay okey na raw ‘yun.

***

Ayon kay Jodi Sta. Maria kung nagkataon daw na hindi siya isang artista ay baka isang doctor na raw siya ngayon.

“That’s my frustration, so far, na maituturing kong my dear other self sana,” pahayag ni Jodi.

“But, I was told din na it`s not too late pa naman at 34, for me to pursue a medical career. Puwede pa rin daw akong mag-aral. Which is exactly what I will do, since may nakausap na akong authority ng isang iskul na puwede akong mag-aral via online.

“At 40 siguro, pwede pa akong maging doctor,” say pa ni Jodi.

Sa ngayon ay busy si Jodi sa promotion ng kanyang new movie na My Dear Other Self, na nakatakdang ilabas sa mga sinehan on May 17, directed by Veronica Velasco under Star Cinema.

***

Nineteen years na si Heart Evangelista sa showbiz at ipinagdiwang niya ito sa pamamagitan ng pagkakasama niya sa inaabangang bagong telefantasya na Mulawin versus Ravena.

Sa bakuran ng ABS-CBN nagsimula si Heart bilang artista pero sa Kapuso networks naman siya nabigyan ng mabibigat na roles at nakilala bilang isang mahusay na TV host/actress.

“It’s an honor to be part of the show. I just realized that it’s a nice project to begin my 19th year.

“I’m very excited and privileged to be part of Mulawin VS Ravena,” nakangiting say ni Heart na lalong yatang sumeksi mula nang mag-asawa.

Si Heart ang gaganap sa role na Alwina na siyang ginampanan noon ni Angel Locsin noong 2014.

“To be part of such an iconic brand and actually have Alwina`s role is super huge for me and I`ll always be grateful that they considered and handpicked me for the role. So, thank you so much talaga sa GMA,” pasasalamat ni Heart na host din ng bagong show na Follow Your Heart. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply