Kadete ng PMA tepok sa sakit sa puso

ISANG kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang patay limang araw matapos isugod sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Kinilala ang biktimang si Cadet 4th Class Erwin Christian Vergara, 19, na binawian ng buhay noong Lunes dahil sa Hemorrhagic Shock o Hypovolemia.

Ang Hypovolemia ay isang uri ng karamdaman na kinakapos ng supply ng dugo o body fluid ang isang tao dahilan upang tumigil ang pagtibok ng puso.

Ayon kay PMA Spokesman, Lt. Col. Reynaldo Balido, Abril 25 nang isugod sa ospital si Vergara pero wala namang indikasyon na minaltrato ito o sumailalim sa hazing.

Abril nang pumasok sa PMA si Vergara na tubong-Alcala, Cagayan.

Samantala, napag-alaman ng mga doktor na may medical history ng pabalik-balik na pananakit ng tiyan sa nakalipas na tatlong taon ang kadete. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply