Kasong droga vs Marcelino, 1 pa ibinasura na

IBINASURA na ng Department of Justice (DOJ) ang kasong droga laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at sa kanyang kasamang Chinese national.

Ito’y makaraang ipagkaloob ng DOJ ang petition-for-review na isinampa ni Marcelino at ni Yan Yi Shou kaugnay sa September 2016 resolution na humantong sa kanilang pagsasakdal sa kasong possession of dangerous drugs sa Manila Regional Trial Court Branch 49.

May petsang Mayo 17, ang review resolution ay pinagtibay sa rekomendasyon ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva noong Mayo 23, 2016 para idismis ang reklamo sanhi ng kakulangan ng esbidensya.

Kasunod ng pagpapalabas ng resolusyon, nagsampa ng mosyon ang Manila Prosecutor’s Office kaninang Huwebes ng umaga na humihiling sa korte na palayain sina Marcelino at Yan.

Si Marcelino ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Aguinaldo, Quezon City habang si Yan naman ay nakakulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon sa Public Attorney’s Office (PAO), ang kanilang mga abugado ang siyang may hawak ng kaso, ang release order kina Marcelino at Yan ay maaaring maipalabas din ngayong araw.

Iginiit nina Marcelino, dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Yan, na ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin noong sila’y dakpin, nang makumpiska sa kanila ng anti-narcotics agents ang aabot sa 77 kilo ng shabu sa isang townhouse sa Sta. Cruz, Manila noong Enero 21, 2016. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply