Kerr, kasama na sa Game 3 ng Warriors vs Spurs

steve-kerr1

MAKASASAMA na si Golden State Warriors headcoach Steve Kerr sa biyahe ng koponan sa San Antonio para sa Game 3 at 4 ng Western Conference Finals.

Kinumpirma ito mismo ni Warriors general manager Bob Myers.

Matagal-tagal ding hindi nakasama si Kerr sa kanilang mga laro at ensayo dahil sa mga nararanasang kumplikasyon sa kanyang back surgery noong 2015.

Habang nagpapahinga si Kerr dahil sa nararanasang sakit at pagkahilo, pansamantalang ipinalit muna sa kanya si assistant coach Mike Brown.

Sa ilalim ng leadership ni Brown, nanalo ang Warriors sa walong magkakasuinod na laro at ang pinakahuli ay ang panalo nito sa Spurs kung saan tinambakan nila ito sa Game 2 sa iskor na 136-100. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply