LA Santos, di lang magaling na balladeer, soon to be actor sa big screen!

SA edad na 17, gumagawa na ng pangalan sa concert scene ang bagong singer na si LA Santos ng StarMusic.

Una’y nagsimulang front act ng mga international singers na kabilang sa mga sikat sa buong mundo tulad ng Air Supply, Stylistic at ang huli’y ang pinagkaguluhang concert ni Patti Austin sa Kia Theater last February.

Si LA ay Grade 11 ngayong pasukan sa high school department ng Sto. Tomas University.

Bata pa siya ay hilig na niya ang pag-awit. Kaya naman ang kanyang butihing parents ay sinubaybayan ang hilig niyang ito.

Pinag-aral ng voice lessons sa magagaling na teachers sa bansa.

Di lang pagkanta ang hilig ni LA, scholar siya ngayong high school bilang varsity player ng UST sa highschool department.

Lumalaban siya sa interschool basketball competition. Mataas si LA kaya bagay sa kanya ang maging basketball star.

Di namin makalilimutan ang version niya ng Binibini. Siyempre ang mga awitin niya sa kanyang first album ay di mawawala sa listahan.

Kabilang dito’y ang Mine, Ms. Terror, One Greatest Love, Break-Up Day. Andyan din sa album ang paborito ng marami na awitin ni Bruno Mars, ang When I Was Your Man, at kay Angeline Quinto ang hit na “Hanggang Kailan.” May version pa si LA ng awiting Forever Is Not Enough, kung saan ka-duet niya ang sister niyang si Kanishia Santos.

Ang mentor ni LA sa pag-awit na si Joel Mendoza ay tuwang-tuwa sa kinalabasan ng kanyang magandang album. Si Joel din ang tumayong producer ng album.

Proud ang StarMusic na maging contract artist nila ang batang balladeer na si LA dahil punung-puno ng potential bilang singer, at puedeng lumaki ang pangalan sa industriya.

Good news sa mga fan ni LA, soon siya’y mapanonood sa big screen sa isang malaking role. Hilig ni LA ang entertainment world, kaya ganoon na lang ang pag-sisikap niyang mapataas ang kanyang kakayahan sa iba’t ibang larangan nito.

Ang unang film ni LA ay napapanahong istorya at tumatalakay sa anti-drug campaign ni Pres. Duterte. Ang magaling na character actor na si Dinky Doo ang director ng first movie ni LA.

Orlando Sol: Paiiyakin kayo sa ikatlong episode ng ng kanyang video serye

MAS paiiyakin kayo ni Orlando Sol sa ikatlong episode ng video serye sa Youtube StarMusic Channel, ang Kailan Darating Ang Ayoko Na?

Nakaaantig ang eksenang nagpapaalam na ang babaing minamahal niya (Catherine Rem) nang mabilisan.

Sa phone lang nagpaalam na aalis na siya patungkong Dubai para magtrabaho na di di matanggap ni Orlando. Plano na kasi nilang pakasal, tapos biglang lalayas na lang.

Sabi’y umagos nang husto ang luha ni Orlado. Luhang hindi mapigilang huminto dahil sa sakit na naramdaman.

Mapanonood ngayong Friday at 6 pm sa Youtube ang ikatlong episode.

John Raspado, itinanghal na kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng karangalang Mr Gay World 2017 na ginanap sa Spain.

NAGTAGUMPAY ang bagong talent ng Production 56 ni Direk Maryo J. Delos Reyes na si John Raspado sa pagwawagi ng Mr. Gay World na ginawa ang final night sa bansang Spain.

Sa tagumpay ni John, first ito sa Pilipinas na magbigay karangalan sa bansa sa pag-uwi ng titulong Mr. Gay World 2017.

Galing sa iba’t ibang panig ng bansa ang nagparticipate sa all male pageant.

Si John ay tinanghal munang Mr. Gay World Philippines bago lumaban sa international competition.

Sa pagkapanalo ni John, maging way na kaya ito ng pagpapaimbulog niya bilang actor na matagal na rin niyang hilig?

Sa pamamahala ni Direk Maryo J ng kanyang career, may kalalagyan si John sa showbiz.

Magaling kumanta at sumayaw si John. Bukod pa sa talent niya sa public speaking. Acting ang pagtutuunan niya pagbalik sa Pilipinas. ON THE SET/ NOEL ASINAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply