Lalaki, sapul sa kidlat sa Albay, patay

NANGISAY hanggang sa mamatay ang isang lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nagpapakain ng mga pato sa Tabaco City, Albay kahapon.

Kinilala ni Supt. Vincent Camero ng Tabaco City police ang biktima na si Antonio Oropesa na isang residente ng Brgy. Napo sa bayan ng Polangui.

Tinamaan siya ng kidlat habang nasa Brgy, Pawa, at natagpuan na lamang ng mga tanod na sina Teofilo Arenal at Domingo Serrana ang sunog nang katawan ni Oropesa.

Isinugod pa ng mga rumespondeng bumbero si Oropesa sa Ziga Memorial District Hospital, ngunit idineklara din itong dead on arrival.

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply