Marine Lt. Col. Marcelino, nakalaya na

marcelino1

NAKALAYA na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos bawiin ng Department of Justice (DOJ) ang paghaharap ng mga kasong may kinalaman sa conspiracy, manufacture at possession of illegal drugs laban sa kanya at Chinese interpreter na si Yan Yi Shou.

Pasado alas-5:00 ng hapon kahapon nang makalabas si Marcelino mula sa detention cell ng Intelligence Service ng AFP sa Camp Aguinaldo.

Mismong si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Percida Acosta ang naghatid ng release order ng korte sa kampo at siyang nagsundo kay Marcelino na emosyonal namang humarap sa media.

Aniya, pinapatawad niya ang mga operatiba na humuli at nagpakulong sa kanya.

Naniniwala si Marcelino na walang mali sa naging desisyon ng DOJ na absweltuhin siya sa kaso.

Ngayong laya na, maaari nang makabalik sa military service si Marcelino lalo’t aktibo pa siyang miyembro ng Philippine Marines. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply