Oil price rollback, epektibo na

oil-price1

SUMADSAD na naman ang presyo ng produktong petrolyo ngayong araw.

Sa kanilang abiso, magkakaltas ng P0.85 sa kada litro ng gasolina ang Petron, Easter, Phoenix, PTT, SeaOil, UniOil, Eastern at Shell epektibo alas-6:00 ng umaga.

Magbabawas naman sila ng P0.70 sa halaga ng kada litro ng kanilang diesel.

Magkakaroon rin ng P1.00 rollback sa kada litro ng kerosene ng Petron, SeaOil at Shell.

Nauna nang magpatupad ng rollback sa kanilang gasolina, diesel at kerosene ang Flying V kaninang hatinggabi sa parehong presyo. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply