Ombudsman tutol maging state witness si Napoles

napoles1

MARIING tinutulan ng Office of the Ombudsman na gawing state witness si Janet Lim-Napoles sa re-investigation ng pork barrel scam.

Gagawin umano ng Ombudsman ang lahat para lamang maharang ang pagiging state witness nito.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagsalita na ang Sandiganbayan nang iutos nitong ilipat si Napoles sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Pero hindi nababahala si Morales sa anomang kasunduan sa pagitan nina DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II at Napoles na maging state witness ito.

Giit ng Ombudsman, hindi bounded ang ahensya sa findings ng DOJ na posibleng maging state witness ang tinaguriang PDAF scam queen.

Para sa prosekusyon aniya ay isa si Napoles sa principal alleged malefactors kaya tiyak na haharangan nila na maging testigo ito ng gobyerno. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply