Pagtaas ng pasahe, asahan

fare1

ASAHAN na ang mga pagtaas sa presyo ng langis na maaaring pagmulan ng pagtaas ng pamasahe kasunod ng pagkakapasa ng House Committee on Ways and Means sa Comprehensive Tax Reform Package (CTRP).

Dito ay nakapaloob ang panukalang itaas nang hanggang P6 ang buwis ng ad valorem tax ng produktong petrolyo.

Ito ang babala ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago bagama’t ang pagtataas aniya ay hindi biglaan.

Sinabi ni Quirino Rep. Dax Cua, chairman ng komite, ang desisyon ng Department of Finance (DOF) na unti-untiin ang pagtataas ay mahahati sa tatlong tranches na P3, P2 at P1 sa loob ng tatlong taon.

Sa pamamagitan ng botong 17 ang pabor, apat ang tutol at tatlong abstentions ay naipasa ng komite ang nabanggit na panukala.

Nakapaloob din dito na hindi na bubuwisan ang mga manggagawa na ang sahod ay hindi tataas sa P250,000 kada taon para sa taong 2018 at 2019 hindi pa kasama rito ang mga allowances at 13th month pay na hindi tataas sa P82,000.

“Pinababa ang personal income tax pero bawi naman sa bagong taxes! Bantayan natin ito at ibayong pag-aaralan para sa progresibong mga pagbabago lalo na sa taxation administration,” ayon kay Elago.

Kapag naisabatas ang House Bill (HB) No. 4774, inaasahang aabot sa P206.8-bilyon ang makokolekta ng gobyerno. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply