Palitan ng preso, pinag-uusapan ng China at Pilipinas

china22

PINAG-IISIPAN na ng China at Pilipinas na magkaroon ng palitan ng mga preso o ‘exchange of prisoners’ sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, nagkaroon na ng diskusyon sa usapin ng palitan ng mga drug convict upang sa kanilang sariling bansa na makulong ang mga ito.

Sa ngayon aniya, may 190 mga Pinoy ang nakakulong sa iba’t ibang bilangguan sa China.

Dalawa sa mga Pinoy na ito’y nakahanay sa death row, ayon kay Sta. Romana.

Gayundin, mayroon rin naman aniyang mga Chinese na nakakulong ngayon sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw ni Sta. Romana na magiging case-to-case basis at hindi maramihang palitan ng mga preso ang mangyayari kung maaaprubahan ang panukala. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply