PBA player JC Intal nilooban

jc-intal1

NILOOBAN ng mga hinihinalang “akyat-bahay gang” ang bahay ng PBA player na si JC Intal sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City nitong nakalipas na Abril 29, Sabado.

Sa reklamo ni Intal sa himpilan ng Quezon City Police District Station 3-Talipapa, naganap ang panloloob sa pagitan ng 2:00 – 3:00 ng madaling-araw sa no. 5 Freemont St., Ferndale Homes, Brgy. Pasong Tamo, QC.

Aniya, natutulog sila nang pasukin ng mga suspek sa pamamagitan ng pagpanik sa bakod ng kanilang bahay at pagtanggal ng bintana ng kanilang master bedrooms sa ikalawang palapag ng kanilang gusali.

Tinangay ng mga suspek ang digital TV box na nagkakahalaga ng P2,500 at isang Heritage DVR CCTV na nakakabit sa bahay ng PBA player na nagkakahalaga ng P10,000.

Sinisiyasat ng mga tauhan ng Talipapa police ang naturang insidente at ang sangkot sa naturang panloloob. SANTI CELARIO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply