Pilipinas, hindi na tatanggap ng tulong sa EU

KINUMPIRMA ni European Union Ambassador to the Philippines Franz Jessen na nag-abiso na ang Pilipinas na hindi na ito tatanggap ng ayuda mula sa EU.

Tinatayang umaabot sa 300-million euros (€) o P16.6-bilyong halaga ng grant’ ang inilaan ng EU para sa Pilipinas na tatagal sana nang hanggang 2020.

Karamihan sa mga proyektong paglalaanan sana ng naturang mga ayuda ay nakatuon sa pagtulong para sa Mindanao Peace and development projects.

Sa pagitan ng 2007 – 2013, nakatanggap ng €130-milyon ang Pilipinas bilang development assistance mula sa 28-country regional bloc.

Matatandaang makailang ulit na binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU at Amerika noon dahil sa pakikialam umano sa kanyang kampanya kontra-droga.

Una na ring hinamon ni Duterte ang EU na bawiin ang mga tulong na ibinibigay nito sa Pilipinas.

Matapos ang deklarasyon ng ‘independent foreign policy’ at mga banat nito sa EU at Amerika, dumulog naman si Duterte sa China. -30-

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply