Roxas Boulevard sarado bukas

ISASARA bukas ,May 20 ang ilang bahagi ng Southbound lane ng Roxas Boulevard para sa gaganaping funrun ng Philippine Navy sa kanilang ika 199th anniversary.

Sa inilabas na traffic advisory ng MPD Traffic Bureau, sarado sa mga motorista ang Southbound ng Roxas Blvd mula TM Kalaw hanggang P. Ocampo St. pagpatak ng alas-3 ng hapon.

Pinayuhan naman ang mga sasakyan na manggagaling sa Bonifacio Drive na kumaliwa na lamang sa P. Burgos papunta sa destinasyon.

Habang ang mga sasakyang mula sa Jones bridge, McArthur at Quezon bridge ay sa Taft Avenue na lamang dadaan.

Sa mga magmumula sa westbound lane ng P. Burgos Ave, kumanan sa Bonifacio Drive o mag u –turn sa eastbound lane ng P. Burgos.

Gayundin ang mga manggagaling sa westbound ng TM Kalaw, kumaliwa sa MH Del Pilar St. Pinapayuhan naman ang mga magmumula sa westbound ng UN Ave na kumaliwa sa MH Del Pilar st o dumaan sa Roxas blvd Service Road.

Samantala ang mga motoristang manggagaling sa Westbound lane ng Pres Quirino Ave, kumaliwa sa Adriatico St. patungo sa destinasyon. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply