Sharapova ‘di makakalaro sa French Open

sharapova3

HINDI makapaglalaro sa French Open si Russian tennis star Maria Sharapova.

Ito’y matapos na hindi mabigyan ng wildcard ang two-time champion para makapaglaro sa nasabing torneyo.

Sinabi ni French Tennis Federation chief Bernard Giudicelli Ferrandini, maaari lamang ibigay ang wildcard sa mga manlalaro na nakabalik mula sa injuries at hindi mula sa pagkakasuspinde dahil sa paggamit ng iligal na substance.

Dagdag pa nito, nais niyang maging patas sa batas na kanilang ipinapatupad sa torneyo.

Umaasa ang 30-anyos na tennis star na makakuha ng wildcard sa main draw o sa qualifying tournaments. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply