Sundalong dedo sa buy-bust; pulis sugatan

crime2

TUMIMBUWANG sa drug buy-bust operation ang isang sundalo habang sugatan naman ang isang pulis sa Koronadal City, South Cotabato nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Anti-Drug Abuse Council action officer na si Gloria Sandig, nakilala ang napatay na si Private First Class Richie Librado, 41, ng Brgy. ML Quezon at miyembro ng 33rd Infantry Battalion.

Sugatan naman sa kanang hita at nagpapagaling na lang sa ospital ang biktimang si S/Insp. Ramil Aurello ng Koronadal City PNP.

Tatlo namang suspek na pinaniniwalaang sabog pa sa ipinagbabawal na gamit ang naaresto at kinilalang sina Herbert Deloso, 32 at Ericson Ligaya, 27, kapwa ng Brgy. San Jose; at Ronald Antay, 42, ng Brgy. Esperanza, Koronadal City.

Nakumpiska sa tatlong suspek ang apat na sachet ng shabu at paraphernalia, isang homemade 12 gauge shotgun at isang homemade .45-pistol.

Naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa Brgy. San Jose, Koronadal City.

Sa imbestigasyon, nahuli sa aktong humihithit ng shabu ang mga suspek sa naturang lugar.

Pero imbes sumuko, pinaputukan ni Librado ang mga operatiba pero sa pagganti ay tinamaan ang suspek.

Sinabi ni Sandig na ang pagsalakay ay isinagawa matapos magpanggap ang isang operatiba na buyer at makabili ng shabu sa mga suspek. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply