Vice, insecure kay Pretty Trizsa?

pretty-trizsa1

BAGAMA’T matagumpay ang dating Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez sa Los Angeles, California, iniisip pa rin niya ang kaibigang si Pretty Trizsa.

Nagkaroon ng maraming shows si Pretty Trizsa sa TV5 at sumali noong 2008 sa “Survivor Philippines”. Kasabayan niya sina Vice Ganda, Ethel Booba sa comedy bar bilang stand up comedian. Kilala rin siya bilang magaling na impersonator ni Mariel Rodriguez.

Hindi lang kasi bilang magkaibigan ang turingan nila ni Eduard. Nagturingan sila bilang magkapatid dahil iisa ang manager nila nu’ng araw. Actually kahit ang Mommy Zarina ni Eduard ay napamahal na rin kay Trizsa dahil tumira ito sa kanila at adopted na ng pamilya.

“Bakit si Trizsa, hindi man lang tinutulungan ni Vice (Ganda). Lagi na lang sina Lassy at MC. Kawawa naman kung saan-saan na napapadpad. Pero I support Vice na pa-girl siya. Hehehe,” sambit ni Eduard na namamalagi ngayon sa California.

May communication ba sila ni Pretty Trizsa?

“Oo naman everyday. Nasa Davao siya ngayon pa raket-raket. Pero, naaawa rin ako parang wala na siyang inspiration. Hindi ko naman siya makasama dahil malayo ako,” pakli niya nang maka-chat namin sa Facebook.

Sana raw ay tulungan din ni Vice si Pretty Trizsa gaya ng pagsuporta niya kina MC, Lassy, Negi, Chocoleit at Ethel.

Naging magkaibigan ba ang dalawang ‘yan nu’ng nasa comedy bar sila? Di ba may gap sila at nagpapatalbugan nu’ng araw?

“Oo, kasi magkamukha sila. Hahahahaha! Pero I hope na matulungan ni Vice si Pretty dahil nakaangat-angat naman siya. At kung sino ‘yung nagpapakumbaba, ‘yun ang lalong itinataas,” bulalas pa ni Eduard.

Pero agree naman si Eduard na dapat ay tulungan muna ni Pretty Trizsa ang sarili niya at magbago ito sa mga pananaw sa buhay.
Talented at matalinong bakla si Trizsa pero kailangang manggaling din sa kanya ang tuwid na direksyon sa buhay.

“Pero I hope na sana bigyan naman sana nila ng inspiration at second chance si Trizsa dahil talagang mabait siya. ‘Yun siguro ang makatutulong sa kanya sa lahat ng trials na pinagdaanan niya,” deklara pa ng singer-TV host.

Samantala, merong show sa America si Eduard thru Youtube at KXLA 44 channel. Co-host siya ng Manila Sands Today with Nelson Trinidad at kumakanta rin siya.

Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply