CGMA et al, nagbigay ng pasadong grado sa unang taon ni Digong

MATAGUMPAY na kampanya laban sa droga, pagkontra sa korapsyon at imprastrastraktura ang nakikitang accomplishment ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, kakaiba at aktibong liderato ang ipinakita ng pangulo sa unang taon ng panunungkulan nito sa kabila ng kabi-kabilang pagtuligsa sa kanya ng oposisyon at katunggali sa pulitika.

“President Rodrigo Duterte has shown awesome leadership and resolve in the many programs that he promised to do during his presidency. In his first year, he managed to institute various bold reforms against illegal drugs and corruption. His Build, Build, Build initiative is commendable and is a step in the right direction towards achieving inclusive growth.”

Ngunit higit aniyang kapansin-pansin ay ang inspirasyon na ibinibigay ni Pangulong Duterte sa mga Pilipino at magkaroon ng pagkakaisa upang maipatupad ang mga kailangang pagbabago sa bansa.

“But more than his accomplishments in his work as president, President Duterte has achieved to inspire and unite the Filipino people towards his goal of effecting real change for the country. I wish him success and the best of health for the rest of his term as he fulfills his mandate for the nation and for the people.”

Gradong 8.7 naman kung saan 10 puntos ang pinakamataas ang ibinigay ni AKO BICOL Party-list Rep. Rodel Batocabe kay Pangulong Duterte.

Ito’y dahil aniya sa pagbabago sa peace and order sa bansa buhat nang ito’y manungkulan gayundin sa economic reforms na ipinatutupad nito.

Ngunit ang Magnificent 7 sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, na kilalang kritiko ng administrasyon ay nagbigay ng 4 na grado o bagsak sa administrasyon sa unang taon nito. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply