Halos 300, patay sa sagupaan sa Marawi

SUMIRIT na sa 290 ang bilang ng namamatay sa mahigit tatlong linggong sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.

Halos 60 na ang nalagas sa hanay ng pamahalaan at tinatayang 40 ang napatay ng sibilyan.

Pinakamarami namang namatay sa panig ng teroristang grupo na 191.

Tinatayang 180,000 residente naman ang apektado kabilang ang mga nagsilikas sa mga karatig-lungsod at bayan.

Samantala, hindi pa rin natatagpuan o nakakausap ang nasa 50 pulis sa Marawi City makaraang maipit sa bakbakan. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply