Mga mosque, religious places sa Marawi ‘di bobombahin

NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang binomba at walang bobombahing mga mosque sa Marawi City kahit sinasabing dito nagtatago ang teroristang Maute group.

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, walang balak ang AFP na bombahin ang mga mosque at sa halip ay gagamit sila ng ibang mga opsyon upang masawata ang mga terorista.

“I would like to clarify that the Armed Forces will not bomb — and I would like to read this — the mosque in the area,” ani Padilla.

Nirerespeto umano ng AFP ang mga mosque na napakasagrado para sa mga Muslim.

Pagtitiyak din aniya ng AFP, pangangalagaan pa rin ang mga mosque at iba pang kahalintulad na religious places sa gitna ng bakbakan.

Sa ngayon, maliban sa mga sibilyang human shield, ginagamit ng mga terorista ang mga mosque at mga madrasah bilang taguan at sniper positions kaya nahihirapan ang mga militar na tapusin sila at mapalaya na sa gulo ang buong Marawi City.

Una nang sinunog ng Maute terror group ang ilang bahagi ng cathedral sa Marawi at tinangay pa ang isang pari at ilang mga parishoners. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply