Pagpapapalit ng mga lumang pera, hanggang June 30 na lang – BSP

HINDI na magbibigay ng extension sa publiko para sa pagpapapalit ng mga lumang pera na kabilang sa New Design Series na magtatapos sa June 30.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Amando Tetangco, wala nang plano pa sa ngayon para palawigin ang June 30 deadline na makailang ulit nang na-extend noong mga nakaraang panahon.

Dahil dito, simula sa July 1, mawawalan na ng halaga ang mga naturang pera at tanging ang mga paper bills lamang na bahagi ng “New Generation Currency” ang tatanggapin bilang mga lehitimong salapi.

Matatandaang noong nakaraang Marso, pinalawig pa ng tatlong buwan ng Monetary Board ng BSP ang pagpapapalit ng mga lumang paper bills na unang inilabas noong 1985.

Dapat sana’y noong January 2017 pa mawawalan ng halaga ang mga lumang pera na kabilang sa New Design Series ngunit makailang ulit itong na-extend upang bigyan ng pagkakataon ang publiko na maipagpapalit pa ang mga ito. -30-

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply