Parak timbog sa droga sa Cebu

TIMBOG ang isang aktibong pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa Naga City, Cebu.

Ang suspek na si PO2 Ronjie Magsayo Nadora, 37, ay aktibong pulis at naka-assign sa Regional Personnel Holding Admin Unit ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7).

Ikinasa ng Regional Intelligence Division – 7 (RID-7) ang buy-bust operation sa bahay ni Nadora sa Brgy. Tuyan, Naga City, Huwebes ng umaga.

Naaktuhan pa ang suspek na naglalaro ng mahjong sa bahay kasama ang tatlong iba pang lalaki nang ikasa ng mga pulis ang operasyon.

Ayon sa mga awtoridad, nahulihan nila ng droga ang suspek na ngayon ay isinasailalim na sa imbentaryo. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply